Bilang bahagi ng parangal na tinanggap ng Quezon Police Provincial Office (Quezon PPO/QPPO) na “Best Police Provincial Office” at ng Quezon Provincial Public Safety Company (QPPSC) bilang “Best Provincial Public Safety Company” sa buong bansa sa taong 2010 ay nagsagawa rin ng parangal ang QPPO sa mga natatanging kawani nito at mga pinuno ng ibang ahensya ng pamahalaan na nabigay ng malaking bahagi upang ang nasabing tagumpay ay makamit ng  nasabing Tanggapan.

 

            Isinagawa ang parangal kahapon, Agosto 18, 2011 sa Southern Luzon Command (SOLCOM) Covered Court, Camp Guillermo Nakar, Lucena City.  Ito ay pinangunahan  ng Provincial Director ng QPPO na si Police Senior Superintendent Ericson T Velasquez kung saan ay naging Panauhing Pandangal at Tagapagsalita si Police Chief Superintendent Gil C Meneses, Regional Director ng Police Regional Office (PRO) CALABARAZON.

 

            Dumalo rin sa nasabing gawain ang mga pinuno at kawani ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na pinangunguhan nina Hon. Rommel Edano, Provincial Administrator ng Quezon na siyang kinatawan ni Gob. David “Jayjay” Suarez; Hon. Alona Obispo, Board Member ng 1st District ng Quezon; Fiscal Dionne Bustonera, Provincial Prosecutor; Hon. Barbara Ruby Talaga, Mayor ng Lucena City; Hon. Fernando Llamas, Mayor ng Mauban; Mayor Puache ng Unisan; Hon. Emmanuel JS Torres ng Sampaloc, Hon. Artem S Mascarina ng Alabat; Mayor Liwayway Tan ng Macalelon; Mayor Crispin S Clacio ng Quezon, Quezon; Lt.Gen. Roland M Detabali, Commander ng SOLCOM; Col. Narciso R Alamag, Commander, Task Force Lucena; Police Superintendent Rufina Baldovino, Provincial Officer, Crime Laboratory Officer; Police Superintendent Hansel M Marantan ng QPPSC; Police Superintendent Harold D Depositar, Regional Training Director ng Regional Training School 4 (RTS4); Police Chief Inspector Joselito Villarosa Sr, Chief, Criminal Investigation and Detection  Team (CIDT); Police Chief Inspector Ruel Moreno, Chief, Highway Patrol Group (HPG); Police Chief Inspector Jaimar R Sapungan, Provincial Officer, Medical/Health Service; at mga Hepe ng Himpilan ng Pulisya sa Quezon.

 

Bago isagawa ang paggagawad ng parangal ay isang pinagsamang Press Conference ng QPPO at 201st Brigade na nakabase sa Camp Gen. Alfredo Santos, Calauag, Quezon ang idinaos bandang ika-10:00 ng umaga sa QPPO Conference Hall, Camp Gulllermo Nakar upang ilahad ang mga nagawa ng dalawang Tanggapan. Inilahad ni Col. Eduard M Ano, Commander ng 201st  Brigade ang mga nagawa ng kanilang Tanggapan sa pakikipagtulungan ng mga pwersa ng QPPO.  Kabilang sa mga grupo ng tagapagsalita sa hanay ng AFP at PNP sina RD Meneses, PD Velasquez, Col. Ano, at Col. Aurelio Baladad, Commader ng 202nd Brigade. Ang pagdalo naman ng humigit kumulang na animnapung (60) Mamamahayag ay pinangunahan ng limang (5) Presidente ng Lokal ng Media na sina Mr. Danny Ordonez ng Quezon Tri-Media Group (QTMG), Mr. Gemi Formaran ng Camp Nakar Press Corps, Mr. Ylou Dagos ng National Union Journalist of the Philippines (NUJP), Mr. Jun Mendeja ng United Media Organization (UMO), at Mr. Ronald Ruiz ng Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP).  Binigyang daan dito na masagot ng mga kinauukulan ang mga katanungan mula sa lokal na media hinggil sa aktibidad at iba pang mga kaganapan sa sa kabuuan ng Quezon at nasasakupan ng PRO CALABARZON.  

 

            Matapos ang nasabing Presscon ay binigyang daan ang programa para sa dalawampu’t limang (25) pinarangalan kung saan ay tumanggap ng mga sumusunod ng gawad:

 

Police Chief Inspector Rancer A Evasco, Hepe ng Candelaria Municipal Police Station (MPS); Police Chief Inspector Von June B Nuyda, Hepe ng Gumaca MPS at Police Inspector Bonna A Obmerga, Hepe ng Quezon MPS  para sa “Best Municipal Police Station”  sa kategorya ng mga munisipalidad bilang Class “A”, “B” at “C”;

 

Sa pamumuno ni Police Superintenedent Hansel M Marantan bilang Company Commander ay tumanggap muli ang QPPSC ng Plaque of Merit bilang pagkikila na Best PPSC sa buong bansa.  Sina Police Chief Inspector Allen Rae C Co ng Provincial Operations and Plans Branch (POPB) bilang Best Police Commissioned Officer (Best PCO); Police Chief Inspector Elmar B Sillador ng Office of the Provincial Director bilang Best Staff Officer;  Police Senior Inspector Jonar R Yupio, Team Leader ng 2nd Platoon bilang Best Platoon Leader; Senior Police Officer 1 Ricardo C Saludades ng POPB bilang Best Police Non-Commissioned Officer (PNCO); Police Officer 3 Meldie C Gatdula ng Infanta MPS sa Best Woman and Children Protection Desk (WCPD) PNCO; Ms. Editha A. Pia ng Provincial Logistics Branch sa Best Non-Uniformed Personnel (NUP) of the Year.

 

Mula rin kay PD Velasquez ay tinanggap ni Provincial Administrator Edano ang Plaque of Appreciation para kay Gov. Jayjay Suarez at binigyan din ng Plaque of Recognition ang Lucena City Police Station na nasa ilalim ng pamumuno Police Superintendent Ramon L Balauag; Col. Eduardo M Ano, Commading Officer (CO) ng 201st Brigade; Col. Aurelio B Baladad, CO ng 202nd Brigade; Lieutenant Col. Benjamin G Batara, CO ng 1st Special Force (SF) Batallion; Col. Rodolfo L. Lavadia, CO ng 85th Infantry Batallion; Lieutenant Col Bartolome Vicente O. Bacarro, CO ng 1st Infantry Batallion; Lieutenant Col. Dennis C. Perez, CO ng 74th Infantry Batallion; Lieutenant Col. Ernest Marc P. Rosal, Col. Narciso R Alamag ng Task Force Lucena; Mayor Fernando Q. Llamas ng Mauban, Quezon; Fiscal Dionne Bustonera, Provincial Prosecutor.

 

Sina Pastor Herminigildo Escobido ng Quezon Evangelical Pentecostal, NUP Cristina Pabelonia ng Police Community Relations Branch at NUP Maria Luisa Zarsaga ng Tayabas MPS ay tumaggap naman ng Certificate of Appreciation.

 

          Sa bandang huli ay nagbigay ng mensahe si Hon. Edano kung saan ay inihatid nito ang mensaheng pagbati, ilang pangunahing proyekto sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon at ang patuloy na pakikiisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa probinsya.  Gayundin, sa mensahe naman ni RD Meneses ay ipinabatid nito ang kaniyang taos pusong pagbati sa QPPO, QPPSC at sa mga pinarangalan.  Ikinagalak din niya ang pagkakasungkit ng dalawa (QPPO at QPPSC) sa pinakamataas na parangal sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Pinasalamatan din niya  ang mga pinuno at kawani ng mga Lokal na Pamahalaan at mga pribadong organisasyon at sa kabuuan ay ang mga mamamayan sa patuloy na pagtulong at pagsuporta  sa hanay ng kapulisan.

 

Ang nasabing gawain ay bahagi pa rin ng pagdiriwang ng ika-110th Police Service Anniversary na may temang “Sandaang Taon at Sandekadang Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Sambayanan Tungo sa Matuwid na Daan.”